Sunday, April 28, 2024

PNP iginiit na walang kontribusyon sa ouster plot matrix ng Malakanyang

- Advertisement -

Iginiit ng Philippine National Police o PNP na wala silang kontribusyon sa bagong ouster plot matrix na inilabas ng Malakaniyang.

Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, sa katunayan ay patuloy ang kanilang isinasagawang validation sa nasabing matrix kaya’t tuloy din ang kanilang pakikipag ugnayan sa palasyo.

Hindi rin umano sila tumitigil sa pagkalap ng mga ebidensya para suportahan ang mga nakalap na intelligence information.

Magugunitang pinanindigan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na balido ang natanggap na intelligence information ni Pangulong Rodrigo Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -