PNP hindi na maglalabas ng permit para sa mga firecrackers factory  

0
52

Hindi na magpapalabas ng permit ang Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) para sa mga bagong pagawaan ng paputok, mahigit isang buwan bago ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, alinsunod na rin aniya Sa Memorandum Order No.31 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagreregulate sa paggamit ng paputok.

Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na mahigpit nilang bababantayan ang mga existing o kasalukuyan nang may permit na pagawan ng paputok para matiyak na sumusunod ang mga ito sa mga itinakdang panuntunan.

Dagdag ni Albayalde, panimula pa lamang ang kanilang itinakdang limitasyon sa paggawa at paggamit ng mga paputok patungo sa total ban na ipatutupad ng pamahalaan.