Panibagong hanay ng gabinete inaasahang iaanunsyo ni Duterte ngayong araw

0
44

Inaasahang inaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong hanay ng kanyang gabinete sa isasagawang kanilang isasagawang cabinet meeting ngayong araw.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posibleng ilahad na ni Pangulong Duterte ang mga bagong itatalagang opisyal sa mga mababakanteng posisyon sa kanyang gabinete.

Kabilang na aniya rito ang posisyon sa Office of the Political Affairs na nabakante ni dating Secretary Francis Tolentino matapos naman ito maghain ng kandidatura para sa pagka-senador.

Magugunitang una nang nanumpa kahapon bilang bagong cabinet secretary si Davao City Representative Karlo Nograles kapalit ni Jun Evasco.