500 gramo ng shabu nasabat ng PDEA sa Pasay City

0
49

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 500 gramo ng shabu na ibinebenta ng bagsak presyo sa Barangay 128 sa Pasay City.

Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, sa ikinasang nilang buy bust operations, nabatid na nagkakahalaga na lamang ang narekober na shabu ng P700,000 mula sa dating P3.5 million.

Indikasyon aniya iro na bumaba na ang presyuhan ng mga ibinebentang iligal na droga sa mga lansangan.

Kasabay nito, naaresto sa operasyon ang apat na suspek na kinilalang sina John Michael Laureta, Mark Xander Laureta, Bryan Balboa at Aldrin Guerrero.

Sinasabing ang mga suspek ay notoryos na drug personalities sa Metro Manila na nagsusuplay ng iligal na droga sa mga kulungan.