Friday, May 3, 2024

Operasyon ng kauna-unahang land port sa bansa binuksan na

- Advertisement -

Bukas na ang kauna-unahang land port sa bansa na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa bahagi ng Coastal Road sa Parañaque City ngayong araw.

Dito na magsasakay at magbababa ng pasahero ang mga bus na biyaheng Southern Tagalog region mula Maynila at pabalik kaya’t inaasahang mapaluluwag na nito ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sistematiko ang pagsakay at pagbaba sa mga pasahero na tila mala-airport dahil may hiwalay itong departure at arrival bays para sa mga jeepney, bus at taxi gayundin ay may kakayahan din itong maka-konekta sa Light Rail Transit (LRT) extension project.

Mayroon din itong high-tech na ticketing system at may nakakalat ding mga CCTV cameras sa paligid nito na operational 24-oras.

Gayunman, papayagan pa ring pumasok ng Maynila ang may tatlongdaang (300) bus na exempted sa paggamit ng PITX kung saan, sasailalim ito sa reclassification at gagawin itong city buses.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img