PNP dumistansya sa biro ng Pangulong Duterte tungkol sa marijuana

0
36

Dumistansya ang Philippine National Police (PNP) sa biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit siya ng marijuana para makakuha ng lakas sa mga sunod-sunod na dinaluhang aktibidad.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana, naiulat namang isang biro lamang ang pahayag ng pangulo kaya ayaw na nila itong patulan pa.

Sa kabila naman ng mga natanggap na batikos ni Pangulong Duterte, nanindigan si Durana na ipagpapatuloy pa rin ng PNP ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Samantala, tiniyak din ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na hindi makakaapekto sa kanilang war on drugs ang ginawang biro ng pangulo.

Paliwanag ni Aquino, sanay na sila sa pangulo dahil simula pa lamang ng pag-upo nito sa pwesto hanggang sa kasalukuyan ay nagbibiro na ito.

Kasabay nito, mahigpit na pinayuhan nina Durana at Aquino ang publiko partikular ang mga kabataan na iwasan ang gumamit ng iligal na droga at iba pang ipinagbabawal na kemikal o halaman.