31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Draft federal charter lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang draft federal charter o panukalang saligang batas para sa pagpapalit sa federal government.

Sa pamamagitan ng viva voce o palakasan ng boses na botohan, inapruhan ng Kamara de epresentates ang inamyendahang Resolution of Both House (RBH) of Congress No. 15 na naglalayong palitan ang 1987 Constitution.

Pero bago ito, bahagyang nagkasagutan ang ilang mga kongresista habang tinatalakay ang pagpasok ng mga individual amendments sa RBH 15.

Kabilang naman sa mga tinanggihan ng mga mambabatas ang ilang naging kontrobesiyal ding probisyon tulad ng panukalang ibalik ang ban sa political dynasties at pagpapanatili sa term limits.

(with report from Jill Resontoc)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -