34.6 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

AFP nanindigang breeding ground ng NPA ang Lumad school na pinuntahan nila Ocampo at Castro

- Advertisement -

Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ng tinaguriang Talaingod 18 sa pamumuno ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na dalhin sa Maynila ang 14 na mga kabataang Lumad para sa isang exposure trip.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, patunay ito na propagandista ng CPP-NPA sina Ocampo at ACT Teachers Party-list Representative France Castro.

Aniya, nakuha nila ang nasabing impormasyon mula sa mga lider ng katutubo na humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Kasabay nito, kapwa nanindigan ang AFP at Philippine National Police (PNP) na breeding ground ng npa ang mga pinuntahang Lumad schools nila Ocampo at Castro partikular na ang Salugpungan Learning Center at ALCADEV sa Talaingod, Davao del Norte.

Sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinasamantala ng mga komunista ang kawalan ng kakayahan ng mga katutubo para ituro ang pag-aalsa laban sa gobyerno tulad na lamang ng paggamit ng national anthem ng NPA sa halip na pambansang aawit ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -