PNP chief sang-ayon na gawing 60 yrs. old ang retirement age ng nasa uniformed service

0
96

Pag-aaralan ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang itaas sa 60 ang retirement age para sa mga pulis mula sa kasalukuyang 58.

Inihayag ito ni PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng senado para sa P190.5-B na panukalang budget ng PNP para sa 2021.

Ayon kay Cascolan, sang-ayon naman siya sa naturang panukala subalit maganda kung ipatutupad ito para sa mga baguhang papasok ng PNP.

Dagdag pa ng PNP Chief, kaniyang hihingan ng saloobin hinggil sa nasabing panukala ang mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat nang itaas ang retirement age ng mga nasa uniformed service.

Dito lamang kasi aniya na napupunta ang malaking bahagi ng pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) gayundin sa PNP sa halip na ilaan ito para sa suweldo ng mga nasa aktibong serbisyo.