PNP chief hindi pabor dagdagan ang bilang ng mga babaeng pulis

0
49

Hindi pabor si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa panukala ni Surigao Del Sur Representative Johnny Pimentel na dagdagan pa ang mga kinukuhang babaeng pulis.

Ayon kay Albayade, susobra na sa pamantayan ng batas hinggil sa balanseng bilang ng mga lalaki at babaeng pulis kung susundin ang mungkahi ni Pimentel.

Kasabay nito binigyang diin ni Albayalde na walang diskriminasyon sa mga kababaihan pero sadyang sobra na aniya ang kailangang bilang sa kanilang hanay.

Dagdag ni Albayalde, dapat pa ring isa-alang alang ang operasyon ng PNP dahil posibleng makaapekto pa rin sakaling magmaternity leave ang mga babaeng pulis.

Una rito, iminungkahi ni Pimentel, taasan ng 20 porsyento ang mga nirerecruit na babaeng pulis na siyang humahawak sa kaso ng mga bata at babaeng biktima at suspek sa mga krimen.