Pamamahagi ng ‘Pantawid Pasada fuel cards’ tuloy ngayong linggo

0
55

Tuloy ngayong linggo ang pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards para sa mga operator at driver ng mga pampasaherong jeep na may lehitimong prangkisa.

Ipinabatid ng Land Transportation Office (LTO) na mula Nobyembre 5 hanggang 9 ay uubrang i-claim ang fuel cards sa LTO Main Office sa East Avenue sa Quezon City mula alas nueve ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ngayong araw na ito naman ay ipapamahagi rin ang fuel cards sa lakeshore hall sa Taguig City sa parehong oras.

Para makuha ang fuel card kailangan lamang ipakita ang valid ID, isang ID picture, kopya ng decision/cpc at photocopy ng latest or at cr ng sasakyan.