PNP Chief Albayalde tinanggap ang apology ni Gng. Ladlad

0
64

Humingi ng tawad ang may bahay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Vicente Ladlad na si Ginang Fides Lim-Ladlad sa pamunuan ng pambansang pulisya.

Ito’y matapos ang ginawang pagwawala ng ginang nuong isang linggo makaraang arestuhin ang kaniyang asawa nitong nakalipas na Biyernes sa Novaliches, Quezon City.

Magugunitang hinarang ni Ginang Ladlad ang police mobile na maghahatid sana sa kaniyang mister tungo sa Kampo Caringal para isailalim sa arresting process na siyang dahilan para sampahan ito ng kaso ng pulisya.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), tinanggap ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang paghingi ng tawad ni Ginang Ladlad sabay pagtitiyak na kanila pa ring iginagalang ang human rights o karapatang pantao ng kahit sino.

Nauunawaan ng PNP chief ang silakbo ng damdamin ni Ginang Ladlad subalit ipinaalala nito na ang paglabag sa batas ay may kaakibat na parusa na dapat pagdaanan at tungkulin nilang mga pulis na ipatupad ang batas.