Kamara muling iimbestigahan ang isyu ng dengvaxia

0
46

Nakatakdang muling buksan ng House committee on good governance and public accountability ang imbestigasyon nito ukol sa dengvaxia.

Ayon kay House panel chairman Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo, tila nakukulangan sya sa mga nakuhang impormasyon sa mga nakalipas na pagdinig ng Kamara.

Aniya, kinakailangan niyang tanungin at kausapin ang ilan pang resource person para kanyang mabuo ang komprehensibong committee report.

Hindi aniya nawawala ang konsiderasyon na muling ipatawag si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang magiging pagdinig sa dengvaxia ay tatalakayin ng komite kasama ang committee on health sa Nobyembre 20 at 21.