PNP biniberipika na ang impormasyon hinggil kay Chinese National na si Jacky Co

0
56

Bini-Beripika na ng PNP o Philippine National Police ang impormasyon hinggil sa Chinese National na nasa watchlist ng interpol at nagagawang maglabas-masok sa bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Police Col. Bernard Banac, kanila nang pinag-aaralan ang record at pagkakakilanlan ng Chinese National na si Jacky Co.

Aniya, kanilang susuriin ang background ng nasabing Chinese National.

Magugunitang sa kanyang Privilege Speech, kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson kung papaano nakalulusot papasok at palabas ng bansa si Co o  Zhijian Xu sa kabila ng pagkakasama nito sa Interpol Watchlist at pagiging wanted sa China.

Dagdag ni Lacson, bukod sa transaksyon sa iligal na droga, bahagi rin aniya si Co sa isang malaking kidnapping syndicate sa Pilipinas na kumukubra ng ransom sa pamamagitan ng wire transfer at offshore banking.