PNP bumuo na ng Task units na tututok sa kasong bullying

0
50

Bumuo na ng task units ang PNP o Philippine National Police na tututok sa kaso ng bullying sa mga eskwelahan kasabay ng pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, mahalagang ma-ireport agad ng mga magulang kung nabibiktima ang kanilang mga anak ng Bullying sa eskwelahan para agad na maimbestigahan ang mga ito.

Aniya, batay sa kanilang datos, nakapagtala sila ng nasa 22 kaso ng Cyberbullying simula 2017 hanggang marso ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Banac, 9 sa nasabing bilang ay biktima ng Cyber-Bullying noong 2017, 11 noong 2018 at 2 nitong 2019.

Karamihan din aniya sa mga insidente ng bullying ay nangyari sa pamamagitan ng social media at karaniwang kinasasangkutan ng mga kabataan.