Fishermen’s Shelter sa Mavulis island pormal nang naiturn over ng militar sa lokal na pamahalaan ng Batanes

0
56

Pormal nang nai turn over sa lokal na pamahalaan ng Batanes ang Fishermen’s Shelter na itinayo ng NOLCOM o Northern Luzon Command ng AFP sa Mavulis Island.

Ayon kay Major Erickson Bulusan, Spokesman ng NOLCOM ..ang nasabing istruktura ay magsisilbing silungan at pahingahan ng mga mangingisda sa lugar.

Sinabi ni Bulusan na ang Fishermen’s Shelter ay kumpleto sa mga kagamitang ginagamitan ng Solar Power tulad ng Fish Dryer at imbakan na maaaring magamit ng mga mangingisda para sa mga mahuhuling isda.

Ang Mavulis Island na may International name na y’ami ay matatagpuan sa pinakadulong Hilaga ng Pilipinas na sakop ng Batanes at 80 kilometro ang layo sa Taiwan.