Sunday, May 5, 2024

PMA superintendent nagbitiw na sa puwesto sa gitna ng ‘Dormitorio hazing incident’

- Advertisement -

Nagbitiw na bilang Philippine Military Academy (PMA) Superintendent si Lt. Gen. Ronnie Evangelista kasunod ng pagkamatay ng isang kadete dahil sa hazing sa loob ng akademya.

Ipinahayag ni Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa isang press briefing sa Baguio City.

Magugunitang ipinanawagan ni Presidential Spokesman Salvador sa kanyang press briefing kahapon sa Malacañang ang pagbibitiw sa puwesto ni Evangelista.

Samantala, kasalukuyan naman ang isinasagawang imbestigasyon ng PMA kaugnay sa pagkamatay ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Maghahain din ang akademya ng administrative charges at sanctions sa mga mapatutunayang may pananagutan sa pagkasawi ni Dormitorio.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img