29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PMA kinansela ang lahat ng swimming class matapos matagpuang patay ang isang plebo kahapon

- Advertisement -

Kinansela na ng Philippine Military Academy o PMA ang lahat ng swimming class ng mga kadete matapos matagpuang patay ang isang plebo sa swimming pool, kahapon.

Ayon sa inisyal na report ng PMA, dumalo sa kaniyang swimming class si Cadet 4th Class Mario Telen Jr. mula alas 11:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Matapos ito, hindi na nakita pa ang kadete sa kaniyang sumunod na klase kung saan natagpuan ito sa swimming pool na may lalim na 15 talampakan.

Sa ngayon, tiniyak naman ng PMA na nakikipag ugnayan na sila sa Baguio City Police para imbestigahan ang nasabing insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -