Pagkamatay ng isang kadete sa PMA iniimbestigahan na

0
14

Iniimbestigahan na ng Baguio City Police ang pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy o PMA.

Ayon kay Police Col. Allen Rae Co, hepe ng Baguio City Police—binubusisi na nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar matapos matagpuan ang bangkay ni Cadet 4th Class Mario Telen Jr sa swimming pool ng PMA.

Sa ngayon, naka-kurdon na aniya ang swimming pool area ng PMA at nakikipag ugnayan na rin sila sa mga kadete at iba pang tao sa lugar nang mangyari ang insidente.