Plenary debate sa panukalang 2019 national budget sinimulan na ng Senado

0
46

Sinimulan na ng Senado ang pagtalakay sa plenaryo ng P3.7 trillion proposed national budget para sa 2019.

Sa kanyang sponsorship speech, inamin ni Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda na kaunti nalang ang kanilang oras para maipasa ang panukalang pambansang budget.

Gayunman tiwala si Legarda na gagawin pa rin ng mga senador ang kanilang mga tungkulin para maipasa ang budget na nakatuon sa mga programa at serbisyo para sa paglago at pag-unlad ng mga mamamayan at ng bansa.

Samantala, duda naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maihahabol pa nila ang pagpasa sa proposed national budget bago matapos ang taon.

Ayon kay Sotto, pinakamaaga na kung makalulusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala sa Disyembre 12, dalawang araw bago mag-adjourn ang Kongreso.

Magugunitang, noong nakaraang linggo lamang naipadala ng House of Representatives sa Senado ang kanilang bersyon sa proposed 2019 national budget.