33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

AFP ikinatuwa ang nakatakdang pagbabalik ng Balangiga Bells sa PH

- Advertisement -

Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakatakdang pagbabalik sa bansa ng makasaysayang Balangiga Bells sa December 11.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, ang pagbabalik bansa ng Balangiga Bells ay hindi lamang tagumpay ng mga taga Samar kundi ng bawat Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa simula pa ng pananakop ng mga dayuhan.

Dagdag ni Arevalo, pagpapakita rin aniya ito ng senseridad ng Amerika sa pakikiisa at pakikipag-alyansa sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananakop nito.

Magugunitang ginawang war trophy ng mga tropa ng Amerika ang mga naturang kampana matapos ang malagim na Balangiga Massacre sa Samar nuong Setyembre 28, 1901.

(with report from Jaymark Dagala)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -