DOTr ipinagbabawal muna ang pagsakay sa mga motorcycle ride hailing apps sa Metro Manila

0
27

Ipinagbabawal muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-angkas sa mga motorsiklo na bumibyahe sa mga lansangan sa metro manila.

Ayon sa DOTr, ito’y bilang bahagi ng ipinatutupad na social distancing sa ilalim ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila dahil sa COVID-19.

Giit ng DOTr, kahit pa ito ay “for personal use” hindi pa rin ito pahihintulutan.

Dapat umano na driver lamang ang sakay nito.

Una rito, sinuspinde ng DOTr ang operasyon ng ride hailing app na Angkas, Joyride at Move It.