30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Planong ibalik ang ROTC kinondena ng grupo ng mga kabataan

- Advertisement -

Kinondena ng grupong Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang Reserve Officer Training Corps o  ROTC sa senior highschool.

Ayon kay Salinlahi Secretary-General Eule Rico Bonganay, walang karapatan ang gobyerno na turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga kabataan gayong unti-unti namang ibinebenta ni Pangulong Duterte ang Pilipinas sa China.

Bukod pa anya ito sa mala-pasista at marahas na sistema ng pamamahala maging ang paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim  ng Duterte administration.

Iginiit ni Bonganay na kung bubuhayin ang ROTC ay maaari lamang dumami muli ang human rights violations at maulit ang pagkamatay ng ilang kadete dahil sa pang-aabuso ng mga kapwa cadet officer.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -