Pinsalang dulot ng tagtuyot ramdam na sa lalawigan ng Cebu

0
62

Aabot na sa tatlumpong (30) ektarya ng mga pananim ang natuyot bunsod ng nararanasang dry spell sa lalawigan ng Cebu.

Batay sa pinakahuling ulat na natanggap ng Cebu Provincial Agriculturist Office, pitong (7) munisipalidad at dalawang (2) lungsod na sa lalawigan ang pinakaapektado ng tagtuyot.

Kanilang dito ang mga bayan ng Argao, Badian, Balamban, Dumanjug, Osob, Sibonga at Alcantara gayundin ang mga siyudad ng Mandaue at Carcar.

Samantala, pumalo naman sa mahigit apatnapung libong (40,000) mga tilapia at apatnalibong (4,000) mga bangus ang nangamatay na sa Carcar City bunsod ng biglaang pagtaas ng temperatura sa mga palaisdaan.

Nakapagtala din ng aabot sa animnalibong (6,000) kilo ng halamang dagat at tatlong daang (300) kilo ng mga talaba ang nasira dahil din sa matinding init.

Dagdag ng Cebu Provincial Agriculturist Office, may mga naiulat ding fish kill sa Barangay Jagibiao Mandaue City at bayan ng Alcantara.

—-