Wednesday, May 8, 2024

Pinsala ng El Niño phenomenon sumampa na sa mahigit P1B

- Advertisement -

Sumampa na sa isang bilyong piso ang pinsalang dulot ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture (DA), nasa 1.33 billion pesos na ang pinsala ng El Niño phenomenon, dahil sa naging mabilis na paglobo ng pinsala nito kung saan noong nakaraang linggo lamang ay umabot sa apatnaraan at animnapu’t apat (464) na milyong piso ang naitalang halaga ng pinsala.

Sa ngayon patuloy namang isinasagawa ng DA ang field validation para sa assessment ng naging pinsala ng El Niño, habang patuloy rin namang binabantayan ang mga pananim na nanganganib ring maapektuhan.

Dry season

Posibleng ngayong linggo o sa susunod na linggo ay ideklara na ng PAGASA ang dry season o tagtuyot.

Kasunod na rin ito nang nararanasang mainit na panahon na dala ng warm air mula sa Pacific Ocean.

Una nang binalaan ng PAGASA ang mga Pilipino na maging handa sa mahaba-habang dry season sa taong ito dahil sa El Niño phenomenon.

Noong isang taon, April 10 na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng dry season.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img