36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Misuari handang magdeklara ng giyera kung di maseselyuhan ang federalismo

- Advertisement -

Nagbanta umano si Moro National Liberation Front (MNLF) Founder Nur Misuari na magdedeklara ng giyera kapag hindi naselyuhan ang federalismo.

Ibinunyag ito ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos silang magpulong ni Misuari noong Huwebes ng gabi.

Bilang tugon, ipinabatid ng Pangulo na sinabihan niya si Misuari na bumuo na lamang ng panel para usapan ang federalismo at hind aniya uubrang lihim na makipagnegosasyon ang gobyerno sa MNLF.

Sa pamamagitan aniya nang bubuuing panel ay mabibigyan ang taumbayan ng araw-araw na update kung ano na ang estado ng pag-uusap ng gobyerno at MNLF.


Wake up call

Maituturing na ‘wake up call’ ang naging banta ni MNLF Founding Chairman Nur Misuari na magdedeklara siya ng giyera kapag hindi naaprubahan ang federalismo.

Ayon ito kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno, pinuno ng Consultative Committee kaya’t dapat lamang matupad na ang nasabing sistema ng gobyerno.

Sinabi sa DWIZ ni Puno na panahon na para i-adopt ang federalismo bilang tunay na solusyon sa mga problema sa bansa.

“Mabibigyan ng solusyon itong mga nangyayaring problema sa ating bayan, kagaya ng pagkakagulo diyan sa South, itong nangyayari sa ating Kongreso na deadlock itong House at Senate sa ating budget, ang nanagyayaring kawalan ng tubig sa Metro Manila, ‘yan po kung ating pag-aaralan ang ugat niyan ay ang over concentration of power sa central government, so dapat i-diffuse na natin itong powers of government sa ating iba’t ibang region at ‘yan ang hinihingi ni Nur Misuari.” Pahayag ni Puno

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -