Piñol nananatiling DA secretary

0
46

Nananatiling kalihim ng Department of Agriculture si Secretary Manny Piñol.

Ayon kay Piñol, habang nakikita syang nagtratrabaho sa DA ay nangangahulugan na hindi pa sya ginagalaw ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Piñol na hindi inaksyunan ng pangulo ang kanyang resignation letter at sinabi pa nito na hindi sya isang tiwaling opisyal.

Binigyang diin ni Piñol na magsisilbing badge of honor para sa kanya ang mga kataga ng katapatan na mula sa pangulo.

Samantala, salamat lamang ang naisagot ni Piñol nang tanungin kung ililipat sya ng pangulo sa ibang tanggapan sa Mindanao.