AFP walang namonitor na anti-ship ballistic missile test sa West Ph Sea

0
52

Walang nakita o namonitor na anti-ship ballistic missile test ang Western Command ng AFP sa West Philippine Sea.

Ayon kay Captain Jason Ramon, hepe ng Public Affairs Office ng WesCom, tuloy-tuloy ang monitoring ng joint task force west sa kanilang area of responsibility.

Regular rin anya ang kanilang maritime at sovereignty patrol missions para mapanatili ang presensya ng puwersa ng Pilipinas sa syam (9) na island detachments ng AFP.

Una nang inihayag ng Pentagon na nakakabahala ang natuklasan nilang missile lauch ng China malapit sa Spratly Islands.