Libu-libong foreign fishing vessels pumapasok sa PH EEZ bawat taon

0
37

Libu-libong dayuhang bangkang pangisda ang pumapasok sa exclusive economic zones (EEZ) at maging sa municipal waters ng bansa kada taon.

Batay ito sa mga imahe na kuha ng Visible Infrared Imaging Radiometer (VIIR) suite ng Karagatan Patrol, isang fisheries monitoring group at nalathala sa pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Jessie Floren, geographic information expert ng Karagatan Patrol, mahigit sa 11,000 commercial fishing vessels ang naidokumento nilang pumapasok sa EEZ ng Pilipinas tuwing Abril.

Isinagawa anya ang monitoring tuwing Abril dahil sa mga ulap na nakapagbibigay ng mas malinaw na imahe.

Sinabi ni Floren na kaya ng VIIRS na kunan ng imahe ang maliliit na bangkang pangisda dahil masyadong maliliit ang ilaw nito kayat nakakatiyak sila na commercial o industrial fishing vessels ang kanilang naidokumento.

Bagamat hindi makatiyak ang Karagatan Patrol kung saang mga bansa galing ang mga fishing vessels, posible umanong nagmula ang mga ito sa China, Taiwan at Vietnam na kalimitang nahuhuling nangingisda sa karagatang sakop o inaangkin ng Pilipinas.