Piñol itinanggi ang balitang pinagalitan siya ng Pangulo

0
49

Itinanggi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na pinagalitan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang hindi sumipot sa emergency meeting kaugnay sa pananalasa ng bagyong Rosita sa Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Piñol, nasa Cotabato City siya nang abisuhan ng Presidential Management Staff (PMS) hinggil sa emergency meeting sa Isabela kaya’t si Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan ang kanyang ipindala bilang kinatawan.

Aniya, inabisuhan naman niya ang PMS na hindi siya makapupunta sa Isabela sa halip ay sa cabinet meeting na lamang sa Martes siya makadadalo.

Sa kabila nito tiniyak ng kalihim na may sapat na pondo ang kagawaran upang tulungan ang mga magsasaka at nasa sektor ng agrikultura na naapektuhan ng bagyo.

Sa katunayan ay ipapanukala ni Piñol ang pagbibigay sa Pangulo ng emergency powers upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.