Mahigit 11k turista bumisita sa Boracay noong Undas

0
44

Mahigit 11,000 turista ang bumisita sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan noong Undas.

Batay sa Boracay Interagency Task Force, 14 na turistang lumalabag sa mga regulasyon sa isla ang nahuli at inisyuhan ng ticket bilang babala.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, karamihan sa mga violator ay nahuling naninigarilyo habang ang iba ay umiinom ng alak sa dalampasigan.

Namamahagi naman ang task force sa mga turista ng mga kopya ng “Oath For A Better Boracay” upang tumalima sa environmental laws  at regulasyon bago pumasok sa isla.

Umaasa si Puyat na makikibahagi ang mga turista sa pagpapanatili sa kalinisan ng Boracay.