Pinay patay sa pananaksak sa Japan

0
48

Patay ang isang Filipina matapos pagsasaksakin sa Japan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasawi ang 48-anyos na hindi pa pinapangalanang Filipina habang ginagamot sa isang ospital sa Hamamatsu, kahapon.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng pulisya ang salarin sa pananaksak.

Samantala tiniyak ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V na kanilang gagawin ang lahat para mabigyan ng hustisya ang napaslang na Pinay.

—-