Adjusted mall hours kontra traffic simula na sa Lunes—MMDA

0
49

Ipatutupad na sa Lunes ang adjusted na oras ng pagbubukas ng mga malalaking malls sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila tulad ng EDSA.

Epektibo sa Lunes, Nobyembre 5 hanggang Enero 14 ng susunod na taon, magbubukas na ng alas-11:00 ng umaga sa halip na alas-10:00 ang mga malls sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ay para makatulong na maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko tuwing rush hour lalo na ngayong holiday season.

Gayunman sinabi ni MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago na naka-depende pa rin sa mga mall operators ang kanilang closing hours.

Sakop ng bagong polisiya ang 15 malls na matatagpuan sa bahagi ng EDSA, Commonwealth, C5 at Marcos Highway.

—-