Duterte pinag-aaralan ang peace and order situation sa Mindanao sa posibilidad na ML extension

0
43

Pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace and order situation sa Mindanao.

Ito ay ayon sa Malakanyang para matukoy kung hihilingin nito sa Kongreso ang muling pagpapalawig sa umiiral na batas militar sa rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinulong na ni Pangulong Duterte ang Executive Committee of the National Security Council (EC-NSC) nitong nakaraang nmartes para hingan ng update hinggil sa sitwasyon sa Mindanao.

Aniya, binibigyang bigat ng EC-NSC sa kanilang pag-aaral kung irerekomenda ang pagpapalawig o pag-aalis na ng martial law sa Mindanao ang pananatili ng banta ng mga terorista at komunista rebelde.

Ikinunsidera rin ng komite ang natatanggap na suporta ng ipinatutupad na martial law mula sa mga taga Mindanao gayundin ang kanilang paniniwalang makatutulong ito sa pagpapatatag ng rehiyon at pagpapabilis ng rehabilitasyon sa Marawi City.