Inaasahang makakabalik na ng bansa ngayong araw na ito ang Pilipinang naisalba sa kamatayan sa United Arab Emirates (PH).
Ipinabatid ito ng Department of Foreign Affairs (DFA), mahigit isang taon matapos mapawalang sala sa kasong murder si Jennifer Dalquez.
Si Dalquez ay na sentensyahan ng kamatayan nuong 2015 matapos mahatulang guilty sa kasong pagpatay sa kaniyang employer subalit na acquit nuong 2017 ng walang ibinayad na blood money.
Ayon sa DFA, nakipag-ugnayan na sa Philippine Embassy ang mga otoridad sa uae sa pagbalik sa bansa ni Dalquez na sinaksak at napatay ang kaniyang employer dahil sa tangkang panghahalay sa kaniya.