Overhaul sa buong BOC pinuri ng PCCI

0
57

Pinuri ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang dumaan sa overhaul ang buong Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay PCCI President Alegria Limjoco, welcome sa kanila ang pagtatalaga ng militar sa ilang posisyon sa BOC basta hindi ito makakahadlang sa proseso ng trabaho sa loob ng ahensya.

Positibo naman ang pananaw ng PCCI kay bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na anito’y magdadalo ng mga magandang pagbabago sa Customs.