Ex-BOC official nailipat na sa pangangalaga ng DOJ

0
38

Nailipat na ng Senate sergeant at arms sa pangangalaga ng witness protection program ng Department of Justice (DOJ) si dating Bureau of Customs (BOC) Intelligence Officer Jimmy Guban.

Dahil dito, sinabi ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na mananatili na sa isang safehouse si Guban na pinag suot ng bullet proof vest bago inilabas ng Senado.

Hindi natuloy ang paglipat ng custody ni Guban sa DOJ dahil sa umanoy isyu ng seguridad.