Mga opisyal ng Manila Water patuloy na humihingi ng pang-unawa

0
55

Patuloy na humihingi ng pang-unawa ang mga opisyal ng Manila Water Company sa publiko.

Kasunod na rin ito nang paghingi muli ng paumanhin at pag-ako sa responsibilidad sa naranasang kakulangan ng supply ng tubig ng kanilang customers.

Tiniyak nina Manila Water Chairman Fernando Zobel de Ayala at Vice Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala ang pagdodoble kayod ng kanilang mga tauhan para maibalik ang normal na supply ng tubig lalo na sa mga matataas na lugar.

Maraming factors anila ang dahilan ng krisis sa tubig at naiintindihan nila ang pinagdaanan ng kanilang mga customer.

Ibinalita ng magkapatid na Ayala na nasa 97 porsyento na ang 8 to 12 hour water availability sa ground floor level.