Pinakamataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa unang quarter ng 2019 naitala

0
65

Naitala ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamataas nitong net satisfaction rating para sa unang kwarter ng 2019.

Batay sa pinaka-huling survey ng SWS o Social Weather Stations, mas dumami pa ang mga pilipinong kuntento sa Duterte administration kung saan 81 porsyento ng mga Pinoy ang kuntento sa performance ng kasalukuyang pamahalaan.

Siyam na porsyento naman ang hindi kuntento habang sampung porsyento naman ang undecided.

Dahil dito, nakakuha ang administrasyong Duterte ng positive 72 net satisfaction o “excellent” na mas mataas ng anim na puntos kumpara sa positive 66 na net satisfaction rate noong nakaraang taon.