Monday, May 6, 2024

14 rehiyon apektado na ng El Niño

- Advertisement -

Pumalo na sa 14 na rehiyon ang apektado ng umiiral na El Niño phenomenon sa bansa.

Ito ay batay sa pinaka huling ulat ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kung saan nasa kabuuang 7.96 billion pesos na ang halaga ng pinsala ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito, apektado rin ang mahigit 200,000 magsasaka sa bansa, habang nasa halos 80,000 pamilya rin naman sa Davao Region at SOCCSARGEN ang apektado ng El Niño.

Samantala, tiniyak naman ng NDRRMC na hihina na ang El Niño sa darating na Hunyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img