Cloud seeding operations sa Angat Dam kasado na

0
45

Kasado na ang isasagawang cloud seeding operations sa Angat Dam para sa susunod na linggo.

Ito ay batay sa abiso ng NWRB o National Water Resources Board matapos muling bumagsak ang water level sa Angat.

Ayon sa monitoring ng PAGASA ngayong araw, sumadsad sa 177.3 meters ang antas ng tubig sa naturang dam mula sa 177.5 meter na water level nito kahapon.

Kaugnay nito, hindi naman nabawasan ang antas ng tubig sa La Mesa dam, kung saan nanatili ito sa 68.44 meters.

Samantala, bumagsak rin naman ang lebel ng tubig sa Pantabangan at San Roque Dam.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ipo at Caliraya Dam.