Pinakamataas na HIV-AIDS Case sa Central Luzon ngayong taon

0
34

Sumampa na sa 136 ang kaso ng HIV-AIDS sa Bulacan, ngayong taon.

Batay sa tala ng Department of Health’s Epidemiology Bureau, ito ang pinaka mataas na kaso ng HIV-AIDS sa buong Central Luzon.

Karamihan naman sa mga nagpositibo ay may edad 15 anyos pataas.

Ayon sa Local Health Officials ng Bulacan, tumaas ang kaso ng AIDS dahil mas marami na ang mga nagpapasuri sa mga HIV Testing Facilities, kumpara sa nakalipas na taon.