Isang Kongresista tutol sa pagkakaroon ng bagong Speaker

0
39

Nanindigan si Incoming Anakalusugan Rep. Mike Defensor na walang puwang ang “OJT” na maging pinuno ng Kamara.

Ayon kay Defensor, dapat na mayroong kakayahan at competence ang sinumang mamuno sa Kamara.

Paliwanag nito, dapat ring magawa ng susunod na House Speaker ang mga Legislative Reforms na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Anya, sa mga kumakandidato bilang pinuno ng Kamara sina Leyte Rep.-Elect Martin Romualdez at Taguig Rep.-Elect Alan Cayetano ang nakalalamang.

Bukod kina Romualdez at Cayetano, kabilang sa mga nais maging House Speaker sina Davao Rep. Pantaleon Alvarez, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.