Mas masikip na daloy ng trapiko sa NLEX – Bocaue Bulacan asahan na

0
54

Nag-abiso na ang pamunuan ng NLEX o North Luzon Expressway sa inaasahang mas masikip na daloy ng trapiko sa Bocaue, Bulacan.

Sa inilabas na abiso ng NLEX, ito ay bunsod ng isasagawang rehabilitasyon ng Bocaue River Bridge mula ngayong araw hanggang sa Setyembre 7.

Ayon sa NLEX Corporation, isasara ang 100-meter portion ng Bocaue River Bridge Southbound Middle Lane.

Samantala, tiniyak rin naman ng NLEX na magpapatupad sila ng Counterflow Scheme kung kinakailangan.