Radio Philippines Network
Headlines National News

Panelo tiniyak ang agarang pagpasa sa panukalang single-use plastics ban

Hindi na kataka-taka kung mabilis na maisasabatas ang panukalang magbabawal ng pag-gamit ng plastic sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan binigyang diin nito na buo pa rin ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na i-ban ang single use plastic products sa bansa.

Dagdag pa nito, hindi rin aniya ma-i-aalis ang posibilidad na maaring i-certify bilang urgent bill ang naturang panukala.

Matatandaang una nang sinabi ng pangulo na nais niyang i-ban ang single-use plastic sa pilipinas dahil sa lumalalang problema sa climate change.

Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa Senado ang Senate Bill 333 na naglalayong i-regulate ang manufacturing, importation, at paggamit ng single use plastic sa bansa.

Related posts

Itatalagang bagong budget secretary hindi dapat pulitiko o dating pulitiko — Ben Diokno

Powered by DWIZ

Pope Francis: Kaisa niyo ako

Powered by DWIZ

PH Navy ship lumahok sa maritime exercise

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More