Pinakamababang presyo ng palay sa Pilipinas naitala makalipas ang 8 taon

0
30

Bumagsak na sa pinaka mababang halaga ang presyo ng palay sa nakalipas na walong (8) taon matapos ang implementasyon ng Rice Tariffication Law (RTL).

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), may ilang lugar sa bansa kung saan nasa P10 lamang ang kada kilo ng palay.

Habang batay naman sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nito lamang Oktubre, nasa P15 kada kilo ang presyo ng palay sa buong bansa kung saan 27% itong mas mababa sa average farmgate price sa kaparehong panahon noong 2018.

Kaugnay nito, nangunguna naman ang Pilipinas bilang pinaka malaking importer ng bigas sa buong mundo ngayong 2019.

Batay sa report ng United States Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service, malapit nang maabot ng Pilipinas ang pinaka mataas na recor sa pag-aangkat ng bigas na 3-milyong metriko tonelada.