P300-M halaga ng body cameras inaasahang makukumpleto na ng PNP

0
18

Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na makukumpleto ang pagbili nila ng P300-milyon halaga ng body camera na magagamit sa transparent drug war operations bago matapos ang taong ito.

Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa, nakabinbin ang pagbili nila ng body camera dahil sa pangingikil ng tatlong pulis na  miyembro ng technical working group ng Bids and Awards Committee (BAC).

Aniya, nanghingi ng lagay na P5-milyon ang mga ito mula sa isa sa mga bidders.

Sinabi ni  Gamboa na bilang chairman noon ng BAC ay agad niya sinibak ang tatlong opisyal na kinilala bilang sina Police Major Emerson Sales, Police Major Rholly Caraggayan, at Police Major Angel Beros.

Nahaharap aniya sila ngayon sa kasong administratibo na maaaring mauwi sa tuluyang pagkasibak sa serbisyo.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Gamboa na mayroon ng bagong technical working group  at nagpapatuloy ang kanilang bidding process.