Mabilis na impeachment proceedings vs. Trump tiniyak

0
20

Tiniyak ng mga Democrats House Members na kanilang bibilisan ang impeachment proceedings laban kay U.S. President Donald Trump.

Ayon kay U.S. House Speaker Nancy Pelosi, posibleng sa susunod na buwan ay tuluyan ng ma-impeach ang U.S. President.

Aniya, may inilaan na silang timeline kung saan bago aniya ang Pasko ay matatapos na nila ang impeachment.

Ayon pa kay Pelosi, paulit-ulit nang nilalabag ni Trump ang konstitusyon kaya’t dapat lamang na managot ito.

Gayunman, magbubukas na sa Miyerkules ang impeachment investigation laban kay Trump kung saan ilang buwan na rin ang nakalilipas mula nang lumutang ang pagpapa-impeach sa U.S. President subalit hati ang opinyon dito ng Democrats House Members.