Pinaka mabilis na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa loob ng 1 araw naitala sa Thailand

0
20

Naitala sa Thailand ang pinaka mabilis na paglobo ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw.

Ayon sa Thailand health officials, ngayong araw lamang kasi sumampa na sa 70 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Thailand mula sa 11 naitalang kaso nito, kahapon.

Sinabi ng mga opisyal sa Thailand, ito ay maaring dahil sa patuloy na pagpasok ng mga dayuhan sa kanilang teritoryo na mula sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng Thailand ang travel restriction sa mga lugar na may naitala ng kaso ng COVID-19 partikular na sa South Korea, China, Macau, Hong Kong, Italy at Iran.