2 sa 49 cases ng COVID-19 kinumpirma ng Manila Doctors Hospital na naka-admit sa kanila

0
15

Kinumpirma na ng Manila Doctors Hospital na dalawa sa 49 na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ang naka-admit sa kanilang hospital.

Sa inilabas na abiso ng Manila Doctors Hospital, isang 67 na filipina ang na-admit sa ospital noong March 5 matapos na makitaan ng sintomas ng COVID-19 ngunit kahapon lamang lumabas ang resulta nito mula sa Research Institure For Tropical Medicine (RITM).

Dahil dito tiniyak naman ng pamunuan ng hospital na isinalalim naman nila sa mahigpit na health protocols ang naturang pasyente bago pa man lumabas ang resulta sa pagsusuri dito.

Gayunman, nito lamang March 8 na admit sa naturang ospital ang isa pang pasyenteng nag positibo sa virus at inaasahang ilipat na ng pagamutan batay na rin sa hiling ng pamilya nito.

Sa ngayon, tiniyak naman ng pamunuan ng Manila Doctors hospital na isinailalim na sa quarantine ang lahat ng personnel, medical staffs at iba pang paramedical staffs na umasiste at nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.